dzme1530.ph

Utang ng Pilipinas 14.93 trilyong piso na lamang

Bahagyang nabawasan ng 1.57 percent ang utang ng Pilipinas. Mula sa 15.18 trilyong piso noong Pebrero bumaba ito sa 14.93 trilyong piso sa katapusan ng Marso 2024 ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ipinaliwanag ng Bureau of the Treasury na 68.86 percent ng total debt stock ay inutang sa mga financial institution sa loob ng bansa habang ang 31.14 percent nito at inutang mula sa labas ng bansa.

Bumaba naman ng 2.83 percent ang domestic debt o katumbas ng 10.28 trilyong piso nitong katapusan ng Pebrero 2024.

Ang pagbaba ay resulta ng 299.45 bilyong pisong naibayad ng Pilipinas sa mga utang nito.

Samantala, tumaas naman ng 1 percent ang External Debt ng bansa o katumbas ng 4.65 trilyong piso sa katapusan ng Pebrero 2024 dahil sa ‘availment’ ng foreign loans na nagkakahalaga ng 44.01 bilyong piso.

Nakadagdag din sa pagtaas nito ang pagbaba ng halaga ng Piso kontra Dolyar na nagpataas ng 7.05 bilyong piso sa mga utang ng bansa na nasa US-dollar denomination.

About The Author