Hindi pa nagpaparamdam si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa kamara.
Ito ang kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez matapos gawin ng ilang opisyal at mambabatas ang samu’t-saring panawagan na umuwi na ito ng bansa.
Ayon kay Romualdez, hindi pa ito nakatatanggap ng balita o komunikasyon sa kongresista mula’t nakiusap itong magbalik-bansa na si Teves.
Ani Romualdez, inaasahan niyang pakikinggan ni Cong. Arnie ang kaniyang apela sa lalong madaling panahon gayung hindi na otorisado ng mababang kapulungan ng kongreso ang pananatili nito sa labas ng bansa.
Si Teves ay bumiyahe palabas ng bansa para sa kanyang Stem Cell Treatment bago pa man masangkot sa kasong pagpatay kay Gov. Roel degamo.
Gayunpaman, sinabi ni Romualdez na walang dapat ikatakot si Teves sa pagbabalik-bansa nito dahil sisiguraduhin nito at ng PNP na mabibigyang seguridad ang kongresista.