dzme1530.ph

Temporary pier para sa mga ayuda sa Gaza, nasa mahigit 50% nang kumpleto

Mahigit na sa kalahati ang nakumpleto sa ginagawang temporary pier ng US military upang mapabilis ang humanitarian aid at deliveries sa Gaza, ayon sa Pentagon.

April 25 nang i-anunsyo ng US officials ang pagsisimula ng konstruksyon ng pier, at inaasahang magiging operational ito ngayong May.

Sa ngayon ay nananatiling pahirapan ang humanitarian situation sa Gaza na mahigit anim na buwan ng nakararanas ng matinding epekto ng opensiba ng Israeli military laban sa grupong Hamas.

Sa pagtaya ng isang Senior US administration official, nasa dalawa punto dalawang milyong katao sa Gaza ang nahaharap sa food insecurity bunsod ng nagpapatuloy na sagupaan.

About The Author