Handang bumalik si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa bansa para harapin ang mga binibintang sa kanya kung bibigyan ng seguridad ang kongresista at ang kanyang pamilya, ayon sa legal team ng mambabatas.
Ayon sa Abogado ni Teves nasi Atty. Ferdinand Topacio, mahalagang masiguro ang seguridad ng mambabatas lalo’t may mga “recent development” kung saan nilabag ang karapatan ng kanyang kliyente.
Ganito rin ang sinabi ni Atty Toby Diokno, na nagpakilalang kababata ni Teves, gustong-gusto na umano ni Teves na makauwi ng bansa para harapinang mga maling akusasyon sa kanya kung masisiguro lamang ang kanyang seguridad gayundin ang kanyang pamilya.
Matatandaang, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na bumalik na ng bansa ang mambabatas para sagutin ang mga akusasyon umuugnay sa kanya at sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.