Nananawagan si Sen. Francis Tolentino sa gobyerno na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño sa bansa.
Kabilang sa pinasasaklaw ng senador sa price freeze ang bigas upang makaagapay ang publiko sa inaasahang pagtataas ng presyo ng produkto bunsod ng kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng tag-init.
Sa rekomendasyon ni Tolentino, iiral ang price freeze habang nararanasan ng bansa ang El Niño season.
Kasabay nito, nagpahayag ng suporta ang mambabatas sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na reviewhin ang umiiral na minimum wage sa bawat rehiyon sa bansa.
Sinabi ni Tolentino na mahalagang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa inflation subalit ikukunsidera pa rin ang kakayahan ng mga negosyante at employers.