Naniniwala si Sen. Ronald Dela Rosa na hindi fabricated ang nagleak na dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nagsasaad ang Operate and Pre-Operation Report na ito ng PDEA ng pagkakasangkot ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at maging ng aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ilegal na droga.
Sa pagdinig sa senado, itinanggi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang sinasabing dokumento.
Kinontra naman ito ni dating PDEA investigating agent Jonathan Morales na naggiit na authentic ang nag-leak na dokumento.
Kasabay nito, dinipensahan ni Dela Rosa ang ikinasang pagdinig at iginiit na ginawa ito “in aid of legislation” at hindi “in aid of persecution.”
Layon lamang aniya nito na makabuo ng polisiya upang maiwasan ang leakage ng mga classifies documents.
Binigyang-diin din ng dating PNP chief na ang pagkakasama ng isang indibidwal sa pre-operation list ng PDEA ay hindi nangangahulugan na drug user na ito dahil kailangan pa ito ng validation.