dzme1530.ph

Labi ng mga biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Isabela, hindi maiuwi sa Cauayan bunsod ng masamang panahon

Malakas na ulan at malabong na papawirin ang pumipigil sa operasyon ng Philippine Air Force-Tactical Operations Group upang maibiyahe ang mga bangkay ng anim katao na sakay ng bumagsak na Cessna 206 plane sa Divilacan, Isabela noong January 24.

Ayon kay Army Maj. Rigor Pamittan, 5th Infantry Division Public Affairs chief at Division Spokesperson, makapal na hamog ang bumabalot sa kabundukan ng Sierra Madre, kaya imposible para sa kanilang choppers na makalipad.

Sinabi ni Pamittan na hihintayin nilang gumanda ang panahon ngayong martes para ma-airlift ang mga labi ni Capt. Eleazar Mark Joven at mga pasaherong sina Mark Eiron at Xam Seguerra, Val Kamatoy, Rom Joshtle Manday, at Josefa Perla España.

Ililipat ng Retrieval Team ng Army ang mga bangkay mula Divilacan patungong Cauayan City Tactical Operations Center kung saan naghihintay ang mga kamag-anak ng mga biktima ng sinawimpalad na eroplano.

About The Author