dzme1530.ph

Flight papuntang Japan, na-delay ng 5-oras dahil sa bomb threat

Naantala ng limang oras ang flight ng Philippine Airlines mula NAIA T1 patungong Kansai, Japan dahil sa bomb threat ng isang pasahero.

Base sa report ni PNP Aviation security group (PNPAVSEC) Police Col. Esteban Eustaquio, nakatanggap ng tawag ang airport police mula sa isang babae at nagtanong kung may bomb threat ang PAL flight ng PR-412 patungong Kansai, Japan.

Dahil dito agad na vinerify ang tawag kung saan natukoy nila ang pangalan ng pasahero.

Lulan ng 200 na pasahero ang PAL flight PR-412 at dapat aalis ng alas-9 ng umaga mula sa NAIA terminal 1, pero dahil sa standard operating procedure, agad na pinababa ang mga pasahero at muling dumaan sa Human X-ray bago bumalik sa waiting area.

Agad na nagsagawa ng inspeksyon ang mga Airport Security, K-9 unit at isinagawa ang paneling sa loob ng eroplano kung saan nalaman na negative ito sa anumang uri ng bomba.

Isinakay ang mga pasahero sa eroplano ng PAL sa runway ng paliparan gamit ang shuttle bus pero dahil sa tagal ng documentation alas-3 na ng hapon nakaalis ang PAL flight PR-412 patungong Japan.

About The Author