dzme1530.ph

PBBM, nanindigang hindi nagkulang sa pagbabantay sa presyo ng mga bilihin

Nanindigan si pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na hindi sila nagkulang sa pagbabantay sa presyo ng mga bilihin.

Sa kanyang talumpati sa Labor Day with the President Ceremony sa malakanyang ngayong mayo a uno, iginiit ng pangulo na patuloy na kumikilos ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng pagsipa ng mga presyo, sa harap na rin ng el niño o matinding tagtuyot.

Sinisiguro rin na may sapat na suplay upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Kaugnay dito, tiniyak ni marcos ang pagpapaabot ng tulong-pinansyal sa mga lubhang naapektuhan ng El niño, kabilang ang mga magsasakang napinsala ang mga pananim at kabuhayan.

Sinabi rin ni Marcos na uunahing tulungan ang mga taga-mindanao na naapektuhan ng tagtuyot.

About The Author