dzme1530.ph

Mga Militanteng kabataan nag-rally ngayong Labor Day

Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t-ibang grupo ng mga kabataan kabilang ang Anakbayan, Kabataan Partylist, Makati Labor Alliance at Makatindig sa kahabaan ng Buendia Avenue corner F.B. Harrison Street sa Lungsod ng Pasay ngayong Mayo Uno.

Ang nasabing pagkilos ay nakatuon sa tatlong mahahalagang isyu, una rito ang sahod, pagpapalit ng Saligang Batas, at pakikiisa sa mga Jeepney drivers at operators para tutulan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Panawagan ng mga raliyista na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation rate at pagtutol sa pagsisikap ng Marcos administration na itulak ang Charter Change.

Mariin din nilang tinutulan ang mga isinusulong na programa ng kasalukuyang administration na lalong nagpapahirap sa mga maliliit na manggagawa.

Tumagal lamang ng 30 minuto ang programang isinagawa ng mga kabataan kung saan tinapos ito bandang ala 7:45 ng umaga.

About The Author