dzme1530.ph

Pilipinas, inakusahan ang CCG na pinalalala ang tensyon sa WPS

Inakusahan ng Pilipinas ang China Coast Guard (CCG) na pinalalala ang tensyon sa West Philippine Sea, makaraang gamitan muli ng water cannons ang dalawang Philippine civilian vessels na naging dahilan ng pagkasira ng ilang bahagi ng mga barko.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, na pinaigting ng CCG ang lebel ng kanilang pag-atake laban sa barko ng PCG.

Ito aniya ang unang pagkakataon na direktang binomba ng tubig ang PCG vessel na ang malakas na pressure ng tubig ay nagresulta ng structural damage.

Idinagdag ni Tarriela na lumalabas din na itinaas pa ng CCG ang pressure ng kanilang water cannons kumpara sa mga nakalipas na insidente.

Hindi na rin aniya nag-aatubili ang China na gumamit ng malupit na pwersa, para labagin ang International law at upang ipakita sa international community na harap-harapan nitong binabalewala ang United Nations Covention on the Law of the Sea (UNCLOS).

About The Author