Suspendido ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa panahong may nakataas na red alert status sa suplay ng kuryente.
Sa Labor day with the president ceremony sa Malacañang ngayong May 1, inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo sa kuryente na nagtutulak sa pagtaas ng presyo nito.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na pansamantala nang sususpendihin ng Energy Regulatory Commission ang WESM tuwing magde-deklara ng red alert ang National Grid Corp. of the Philippines.
Layunin nitong pigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng El Niño.
Ang WESM ang sistema kung saan ang presyo ng kuryente ay kontrolado ng commercial at market forces, at nakabatay ito sa supply and demand.