dzme1530.ph

Presyo ng LPG, bumaba sa ikalawang sunod na buwan ngayong Mayo

Mas mura ang babayarang Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng mga consumer ngayong Mayo.

Ito ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ng price rollback sa cooking gas ang mga kumpanya ng langis.

Piso at labinlimang sentimos kada kilo o 12 pesos and 65 centavos ang ibinawas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG, simula ngayong May 1.

Ayon sa oil companies, ang adjustment ay repleksyon ng International Contract Price ng LPG ngayong Mayo.

 

About The Author