dzme1530.ph

AFP, hindi sigurado sa eksaktong misyon ng dumaraming Chinese ships sa katubigan ng bansa

Nadagdagan pa ang bilang ng Chinese ships sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Tiniyak naman ng AFP Southern command na mahigpit nilang binabantayan ang mga barko ng China dahil hindi nila alam ang eksaktong misyon ng mga ito sa loob ng katubigan ng Pilipinas.

Ayon sa mga otoridad, tatlong chinese survey ships sa ayungin ang pinakahuling pumasok sa Philippine territory.

Naobserbahan ang pagiging aktibo at agresibo ng Chinese Naval Forces nitong mga nakalipas na araw, kasabay ng isinasagawang pinakamalaking Balikatan Exercises sa bansa.

Kahapon ay muling ginamitan ng water cannons ng China Coast Guard Vessels ang dalawang Philippine Civilian Vessels habang nasa gitna ng misyon patungong Scarborough Shoal.

About The Author