dzme1530.ph

Mga manggagawa, walang aasahang anunsyo ng umento sa sahod ngayong Labor day

Walang aasahang anunsyo ng umento sa sweldo ang mga manggagawa ngayong Labor day.

Nanindigan si Labor Sec. Bienvenido Laguesma Jr. na lahat ng regional tripartite wages and productivity boards sa buong bansa ay naglabas na ng kautusan na nag-apruba sa umento para sa minimum wage earners at kasambahay.

Sinabi ni Laguesma na tapos na ang minimum wage adjustments at kung anuman ang susunod na hakbang ay bahala na ang kongreso.

Binigyang diin ng kalihim na ang legislated wage increase ay mandato ng kongreso at hindi ito sakop ng kapangyarihan ng Department of Labor and Employment.

About The Author