Isinusulong ng Department of Energy (DOE) ang strategic na paglalagay ng mga charging stations para sa mga Electric Vehicles (EV).
Ito ay sa harap ng banta sa posibleng pagtirik ng mga E-Vehicle kung mauubusan ito ng baterya dahil sa pagkakaipit sa matinding traffic dahilan para hindi ito makarating sa mga charging stations.
Sa Malacañang Press Briefing, inihayag ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na nakikipag-ugnayan na sila sa private corporations upang hikayatin silang magtayo ng E-Vehicle charging stations, tulad sa mga mall, condominiums, at maging sa mga gasolinahan.
Bukod dito, dine-develop na rin ang mobile app kung saan maaaring makapagpa-reserve ang mga e-vehicle users sa mga charging stations.
Hinihikayat na rin maging ang mga Government-owned and controlled corporation na mag-setup ng mga charging stations.
Nilinaw naman ni Fuentebella na hindi lamang traffic ang maging sanhi ng pagtirik ng mga e-vehicle dahil maaari rin itong sadyang masiraan sa kalsada na siya namang hahatakin din katulad ng diskarte sa mga traditional vehicles.