Inaasahan ng Department of Energy na maku-kompleto sa katapusan ng Hunyo ang transmission project na magdurugtong sa electricity grids ng Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Energy Sec. Raphael Lotilla na batay sa report ng National Grid Corporation of the Philippines, ang interconnection sa pagitan ng Mindanao at Visayas ay 80% na maku-kompleto ngayong Marso.
Inihayag ni Lotilla na pagsapit naman ng Hunyo ay magkakaroon na ng kakayahan ang submarine cable link na mag-supply ng 450 megawatts ng power mula sa Mindanao patungong Visayas.
Ang P52-B Mindanao-Visayas Interconnection Project ay maaring makapag-share ng kuryente sa buong bansa, kung saan makapagbibigay ito ng supply sa mga lugar na nakararanas ng kakapusan sa kuryente.