dzme1530.ph

Mapanganib na antas ng Heat index, mananatili sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Inaasahang mananatili sa Dangerous levels ang Heat index sa ilang bahagi ng bansa bukas, batay sa pagtaya ng Pagasa.

Kabilang sa maaapektuhan nito ang National Capital Region, Regions 1, 2, at 3, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa NAIA sa pasay, tinatayang aabot ang Heat index ngayong araw sa 42 degrees celsius habang 44 degrees celsius bukas.

Mananatili naman sa 45 degrees celsius ang heat index sa Tuguegarao City sa Cagayan hanggang bukas, habang makararanas ang aparri ng 46 degrees celsius at 47 degrees celsius sa Dagupan City sa Pangasinan.

Kahapon ay pumalo sa nakapapasong 53 degrees celsius o extreme level ng heat index ang iba, zambales, subalit posibleng bumaba ito sa 43 degrees celsius ngayong Lunes.

 

 

 

 

About The Author