Ibinebenta sa Kadiwa stores sa Ligao City, Albay ang bente pesos na kada kilo ng bigas.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), mabibili ang 20 pesos na bigas sa Kadiwa sa National Irrigation Administration (NIA) program stalls sa NIA Albay-Catanduanes Irrigation Management Office.
Inia-alok ito para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Senior citizens, at Persons with Disability.
35 pesos per kilo naman ang bentahan nito para sa regular customers.
Sinabi ng NIA na ito ang paraan ng Irrigators Associations upang ibalik sa mga pinaka-kapos sa komunidad ang mga biyayang kanilang natanggap mula sa pamahalaan.
Bukod sa bigas, ibinebenta rin sa murang halaga ang mga prutas, gulay, mga kakanin, at iba pang produkto.