Halos kalahati ng pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa resulta ng March 21-25 SWS survey na nilahukan ng 1,500 respondents, 46% o 13 million na pamilyang Pinoy ang itinuring ang kanilang sarili na mahirap.
Ayon sa survey firm, hindi ito halos nagbago kumpara sa 47% noong December 2023.
Samantala, 30% naman ang itinuring ang kanilang sarili bilang borderline poor o medyo mahirap, habang 23% ang nagsabing hindi sila mahirap.
33% families din ang itinuring ang kanilang sarili bilang “food-poor” batay sa mga pagkain na kanilang kinakain.