dzme1530.ph

PH at U.S., magtutulungan para pagtibayin pa ang maritime security at cyber-digital space

Nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na magtulungan sa iba’t ibang inisyatiba, gaya ng may kinalaman sa maritime security at cyber-digital space.

Kasunod ito ng dalawang araw na bilateral meeting sa Washington, D.C., sa gitna ng mga agresibong hakbang ng China sa South China Sea.

Sa joint statement, inanunsyo ng Pilipinas at Estados Unidos, ang pinagtibay na commitment upang maresolba ang mga umiiral na global at regional challenges.

Ginawa ang announcement pagkatapos ng 11th Philippines-U.S bilateral strategic dialogue na ginanap noong April 22 at 23 sa Washington, D.C.

About The Author