dzme1530.ph

DTI, muling kinalampag sa palpak na pamamahala sa Vape Industry

Muling pinuna ni Senador Pia Cayetano ang Department of Trade and Industry bunsod ng tinawag nitong palpak na pamamahala sa industriya ng vape.

Direktang pinagsabihan ng Chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee ang DTI na ayusin ang kanilang trabaho lalo’t malapit na ang June 5 deadline ng Vape companies upang i-register ang kanilang mga produkto.

Ikinairita ng Senadora ang mabagal na pagkilos ng DTI at  ang kawalan nito ng maayos na mekanismo upang ipapatupad ang Vape Law.

Pinasaringan pa niya ang ahensya na malakas lamang manghingi ng karagdagang pondo subalit  wala silang pakialam sa pagpapatupad ng regulasyon at dalawang taon na sila dapat handa simula ng ipinatupad ang Sin Tax Law.

Kasabay nito, hinikayat ni Cayetano ang Department of Health na makipag-ugnayan sa Philippine National Police para sa mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa paghithit ng Vape sa mga indoor public places.

Iginiit ng Senador na kung hindi kikilos ang PNP ay katumbas ito ng non performance sa kanilang tungkuling na maituturing na malfeasance at isang krimen.

About The Author