dzme1530.ph

Comelec, igigiit sa Supreme Court na may basehan ang pag-disqualify sa Smartmatic

Isasama ng Comelec ang money laundering case na isinampa ng Amerika laban sa dati nitong Chairman na si Andres Bautista.

Ito’y kapag inihain ng poll body ang kanilang motion for reconsideration sa supreme court ruling, kung saan nakagawa umano sila ng grave abuse of discretion nang i-disqualify ang smartmatic mula sa bidding para sa lahat ng automated election systems.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na batid naman ng publiko ang kaso ni Bautista na officially admitted sa korte.

Naniniwala si Garcia na ang kaso laban kay Bautista na umano’y tumanggap ng suhol mula sa voting machine vendor, ang magpapatunay na may basehan ang kanilang desisyon na i-disqualify ang smartmatic mula sa paglahok sa poll automation projects.

About The Author