dzme1530.ph

Sampu hanggang labintatlong bagyo, inaasahang papasok sa bansa

Tinaya sa sampu hanggang labintatlong bagyo ang papasok sa bansa simula sa Mayo hanggang sa Oktubre ngayong taon.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Rusty Abastillas, isa o dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Mayo at Hunyo habang dalawa hanggang tatlo ang posibleng mabuo kada buwan simula Hulyo hanggang Oktubre.

Ipinaliwanag ni Abastillas na batay sa pag-a-analisa sa mga bagyong nagdaan sa bansa simula 1948 hanggang 2023, kapag pumasok ito sa Visayas sa Mayo o Hunyo, karaniwan itong nagre-recurve patungong Luzon.

Idinagdag ni Abastillas na mas maraming ulan ang inaasahan sa Hulyo, kung saan ang forecast track ng mga bagyo ay karaniwang sa Luzon.

Ang mga bagyo naman aniya sa Oktubre ay karaniwang nakaaapekto sa Luzon at Visayas, at tumatama sa kalupaan.

About The Author