dzme1530.ph

EPIRA Law, panahon nang pag-aralan at rebisahin

Sa gitna ng pagnipis ng suplay ng enerhiya sa bansa, iginiit ni Sen. JV Ejercito na panahon nang rebisahin ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law of 2001.

Binigyang-diin ng senador na sa loob ng mahigit dalawang dekadang implementasyon kailangang suriin kung nagiging epektibo ang EPIRA Law.

Dapat aniyang tukuyin kung nangyayari ba ang tunay na layunin ng batas na magkaloob ng stable at abot kayang halaga ng kuryente sa mamamayan.

Kung hindi aniya ay kailangan ding pag-aralan ang posibleng pag-amyenda o pagbasura sa batas kapalit ng mas epektibong panukala.

Sa paniniwala ni Ejercito ay minadali ang pagbalangkas noon ng batas dahil sa pagsusulong ng interes ng iilan.

Muli namang kinalampag ng senador ang Department of Energy upang magpatupad ng mga hakbangin upang maresolba ang kakapusan ng suplay ng enerhiya sa buong bansa.

About The Author