Hinarang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang bagong panuntunan na magtataas sa 4,000 pesos sa multa para sa illegal parking sa Metro Manila.
Sa kanyang Facebook reels, inihayag ng Pangulo na isinantabi muna ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council na magtataas sa 4,000 pesos mula sa 1,000 pesos sa illegal parking penalty.
Iginiit ng Pangulo na mas inuna niya ang disiplina kaysa sa multa, dahil naniniwala siyang ang bagong Pilipino ay may kakayanang maging disiplinado.
Sinabi ni Marcos na ang pagtutok sa responsibilidad ng bawat isa ay magbibigay-daan sa pang-matagalang mga solusyon sa problema ng trapiko.