Muling pinuna ni Sen. Christopher Go ang Department of Social Welfare and Development partikular si Sec. Rex Gatchalian sa tinawag niyang pagiging selective sa pamamahagi ng ayuda lalo na ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa pagdinig ng Senado, hindi itinago ni Go ang pagkairita niya sa sistemang ipinatutupad umano sa DSWD.
Muli rin niyang ipinakiusap na iwasang gamitin sa pamumulitika ang mga ayuda ng gobyerno dahil hindi nila sariling pera ang ipinamamahagi.
Partikular na ikinasama ng loob ng senador ang pagbabawal sa kanyang magtungo sa payout ng AICS sa ilang lugar habang ang ibang mambabatas kasama na si Sen. Imee Marcos ay malayang nakatutungo.
May insidente din anya sa General Santos City na ilang buwan nang naghihintay ang mga recipient ng release ng AICS.