dzme1530.ph

Kapos na suplay ng tubig sa ilang lalawigan, ikinabahala

Ikinabahala ni Senador Grace Poe ang nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig sa ilang lalawigan sa bansa bunsod ng matinding init ng panahon.

Ayon kay Poe, ilang lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng State of Calamity upang magamit ang kanilang Local funds sa pagbili ng tubig para sa kanilang mga kababayan.

Ang ilan naman na may mas malaking resources ay nagbibigay ng irigasyon sa mga magsasaka at mga livestock upang mabawasan ang agricultural losses.

Iginiit ng senador na ilang lalawigan ang uhaw sa tulong ng gobyerno.

Binigyang-diin din ni Poe na ang aksyon ng mga lokal na pamahalaan ay dapat na umabot sa mga National agency upang agad din silang kumilos.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na dahil posibleng umabot hanggang Mayo ang El Niño ay hindi pa huli para bumalangkas ng solusyon ang mga lalawigan upang mabawasan ang epekto nito.

Samantala, binisita naman ni President Bongbong Marcos Jr. ang Occidental Mindoro upang tignan ang naging epekto ng El Niño sa lugar at masiguro ang pinabilis na pagtugon ng pamahalaan dito.

About The Author