Kinalampag ni Sen. Risa Hontiveros ang Department of Energy upang tuluyang solusyunan ang paulit-ulit na red alert sa Luzon grid.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng demand sa enerhiya ngayong summer season na dahilan ng pagpapalabas ng red at yellow alert status ng National Grid Corporation of the Philippines.
Sinabi ni Hontiveros na paulit-ulit na ang pagkukulang ng NGCP kasabay ng paalala na ang kuryente ay dapat pampagaan ng buhay, hindi pampabigat.
Iginiit ng senador na kailangan ng bansa ng isang totoo at sustainable na solusyon sa harap ng sabay-sabay na outages ng mahigit 20 planta.
Pinagpapaliwanag din ng senadora ang DOE sa patuloy na pagtitiis ng mmga consumer sa rotational brownouts at mas mataas na bayarin sa kuryente.
Nakakainit anya ng ulo na mga konsyumer ang pinagsasabihan ni Sec. Rafael Lotilla na magbawas ng konsumo kung kailan natin mas kailangan ng kuryente, sa halip na maglabas ng matalinong plano ang mga opisyal.
Dapat din anyang maglatag ng proactive measures at intelligent planning ang DOE upang solusyunan ang problema sa power outages.