Dahil sa inaasahang 42°C na heat index o tindi ng init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon sinuspindi ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Pasay ang face to face classes sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan simula ngayong araw hanggang bukas, Abril 24, 2024.
Alinsunod na rin ito sa Executive Order no. 42 na inilabas ni Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano na kung papalo sa 42°C o higit pa ang temperatura ay ipatutupad ang F2F classes suspension sa lungsod.
Ayon sa Climate Heat Index forecast ng PAGASA-DOST ay papalo sa 42°C ang mararanasang tindi ng init sa NAIA, Pasay sa dalawang magkasunod na araw.
Ang paraan ng pagtuturo ay maaring ipatupad sa pamamagitan ng online, modular o anumang alternatibo at batay sa kakayahan ng mga paaralan, guro at mga mag-aaral.