Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapaabot ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno, sa libu-libong benepisyaryo sa Occidental Mindoro sa harap ng epekto ng El Niño.
Sa seremonya sa San Jose ngayong Martes, iniabot ng Pangulo ang P5,000 at P15,000 na mga cheke mula sa AICS program at Sustainable Livelihood program ng Dep’t of Social Welfare and Development.
Ipinamahagi rin ang mga cheke sa ilalim ng TUPAD program, Integrated Livelihood program, at Gov’t Internship program ng DOLE.
Samantala, iniabot din ang P3,000 na fuel subsidies sa 393 benepisyaryo, at tig-P5, sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance.
Mula naman sa DA Philippine Crop Insurance Corp., ipinamahagi ang P41 million na El Niño Indemnification Fund sa 2,000 benepisyaryo, at gayundin ang P77 million mula sa Survival and Recovery Aid Loan.
Kabilang din sa mga tulong ay nagmula sa National Irrigation Administration, DTI, at TESDA, habang itinurnover din ang iba’t ibang kagamitan mula sa DA.