Hindi tuloy ang nakatakda sanang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng kanyang bahay at sa iba pang sunud-sunod na kaso ng pananambang sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Senator Ronald Bato Dela Rosa, chairman ng Komite, nagpasya sila na ipagpaliban ang imbestigasyon upang mabigyan ng sapat na panahon ang Philippine National Police (PNP) at Deparment of Justice (DOJ) para makahapaghain ng mga kaso laban sa mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo at iba pang biktima ng political killings.
Ipinaliwanag ni Senator Dela Rosa na ayaw nilang mahati ang atensyon ng PNP at DOJ kaya minabuti nilang kanselahin ang imbestigasyon.
Makabubuti anyang hayaan muna na makapagpokus sa pag iimbestiga at pagsusulong ng kaso sa mga suspek.
Wala namang nabanggit si Senator Dela Rosa kung kailan irereschedule ang pag iimbestiga sa naturang mga kaso.