dzme1530.ph

Paggamit ng maraming e-vehicles, nakikitang solusyon para mapababa ang presyo ng oil products

Posibleng bumaba ang presyo ng produktong petrolyo kapag dumami ang electric vehicles na bumabaybay sa mga lansangan sa bansa.

Ayon kay Transportation Executive Assistant to the Secretary Joni Gesmundo, hindi lamang environmental friendly ang e-vehicles, kundi itinuturing din itong potential solution sa matagal nang problema ng mga motorista sa tumataas na presyo ng gasolina.

Naniniwala si Gesmundo na kapag naisulong at marami na ang gumagamit ng mga kotse na electric, ay bababa ang gasolina dahil matatakot aniya ang oil companies na mawalan ng market.

Gayunman, binigyang diin ng opisyal na dapat makontrol ang pagdami ng e-vehicles sa bansa, lalo na’t marami na ang napaulat na nadisgrasya habang lulan ng unregulated na e-trikes at e-bikes.

About The Author