Isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert status ang Luzon grid ngayong Sabado.
Sa anunsyo ng korporasyon, ito ay itataas mamayang 6:00p.m. hanggang 10:00p.m., dahil sa kakulangan ng reserba sa kuryente bunsod ng forced outage ng 22 power plants sa rehiyon.
Ibig sabihin, nasa 2,235.8 megawatts ng kuryente ang hindi magagamit sa Luzon grid.
Ang yellow alert status ay tumutukoy sa hindi sapat na operating margin para maabot ang contingency requirement ng transmission grid.