dzme1530.ph

19 na lugar sa bansa, maaaring makararanas ng “dangerous” heat index ngayong araw

Makararanas ng mapanganib na heat index o damang init ang 19 na lugar sa bansa, ngayong araw ng Sabado.

Ayon sa PAGASA weather bureau, mararamdaman ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City, Pangasinan; Aborlan, Palawan; at Catarman Northern Samar na may 44°C.

43°C naman sa mga lugar sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Station sa Pili, Camarines Sur; Roxas City, Capiz; Dumangas, Iloilo; Guiuan, Eastern Samar; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; at Cotabato City, Maguindanao.

Aabot naman sa 42°C ang heat index sa Bacnotan, La Union; Aparri, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan; Iba, Zambales; Ambulong, Tanauan, Batangas; Coron, Palawan; Puerto Princesa City, Palawan; Virac, Catanduanes; Iloilo City, Iloilo; at Davao City, Davao del Sur.

Samantala, pinapayuhan ang publiko na bawasan ang pag-konsumo ng mga matatamis na inumin tulad ng soda, tsa-a, at kape, bagkus ay uminom na lamang ng sapat na dami ng tubig, dahil maaaring makapag dulot ng heat stroke ang temperatura na mula 42-51°C.