Walang inilabas na anumang mga permit at clearance ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) para sa reclamation activites sa Laguna de Bay.
Sa pahayag ng LLDA, aktibo itong nakikibahagi sa mga ligal na aksyon na tumututol sa ownership claims sa lugar, partikular ang napaulat na reclamation at backfiling activities.
Bagama’t alam nito ang mga aktibidad na nagaganap sa kahabaan ng C6 Road ng mga lokal na pamahalaan at ng private entities and individuals, kinikilala ng LLDA ang mga alalahanin ukol sa potensyal na masamang epekto ng reclamation activities sa ecological balance at suplay ng tubig sa lugar.
Samantala, nagpatupad na ang LLDA Board ng moratorium sa issuance ng shoreland development clearance para sa pagpapabuti ng regulatory measures.