Tumindi pa sa 38.2°C ang temperatura sa Metro Manila, na pinaka mainit na naitala ngayong taon, ayon sa PAGASA.
Pinaalalahanan ng state climatologists ang publiko na asahang mararamdaman pa ang matinding init ng panahon sa mga susunod na araw, bunsod ng El Niño phenomenon at dry season.
Matatandaang, naitala ang pinaka mainit na buwan sa Pilipinas noong April 30, 1915 na nasa 38.0, habang 38.6°C ang may pinakamataas na temperatura sa loob ng isang araw noong May 15, 1915.
Samantala, batay sa weather forecast ng PAGASA, aabot pa sa 40°C ang mararamdamang init sa mga susunod na buwan hanggang Hunyo.