dzme1530.ph

Pagpapatupad ng work from home options sa mga piling trabaho, ipinaku-konsidera

Hinimok ni Sen. Christopher Go ang mga pribadong kumpanya na pag-aralan din ang pagpapatupad ng work from home arrangement sa gitna ng patuloy na pagtaas na heat index sa bansa.

Bukod sa work from home setup, hinikayat din ng Senador ang mga ahensya ng gobyerno at hinimok na magpatupad ng heat breaks upang ma-protektahan ang mga empleyado sa matinding init.

Ipinaliwanag ni Go na naranasan na noong pandemya ang effectivity ng work from home set up kaya’t maaari naman itong ikunsiderang muling ipatupad.

Bukod naman sa mas madalas na break sa mga trabahador na nasa direktang init ng araw, dapat din anyang ikunsidera ang pagbibigay ng dagdag na leave of absence sa mga tatamaan ng sakit.

Ipinaalala ni Go na mayroong heat stroke benefit sa ilalim ng PhilHealth packages na maaaring iavail ng mamamayan.

Bukod pa anya ito sa libreng check-up sa ilalim ng konsulta program ng PhilHealth.

Binigyang diin ni Go na sa panahong matindi ang init ng panahon, dapat iprayoridad ang kalusugan ng lahat.

About The Author