Suportado ng Commission on Higher Education (CHED) ang anumang imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan, kasunod ng pagkabahala ng ilang mga sektor.
Sa statement, nilinaw ng CHED na maliban sa St. Paul University – Tuguegarao, wala nang Chinese students na naka-enrol sa public colleges and universities.
Ayon sa CHED, tanging St. Paul University – Tuguegarao lang ang mayroong proper authority na tumanggap ng international students.
Idinagdag ng ahensya na wala pa silang natatanggap na anumang reklamo kaugnay ng paglabag ng St. Paul University sa joint memorandum.
Sakali naman umano na mayroon silang matanggap ay ifo-forward nila ito sa inter-agency committee para sa kaukulang aksyon.
Una nang naghain ng resolusyon sa kamara si Cagayan 3rd District Rep. Jojo Lara para imbestigahan ang isyu na inilarawan niya bilang “highly suspicious and alarming.”