dzme1530.ph

Pilipinas at New Zealand, bubuo ng defense at maritime agreements para sa kapayapaan sa Asia-Pacific

Bubuo ng defense at maritime agreements ang Pilipinas at New Zealand para sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa Asia-Pacific Region.

Sa joint statement matapos ang bilateral meeting sa Malacañang, kapwa nag-commit sina Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa paglagda sa Mutual Logistics Supporting Arrangement bago matapos ang taon.

Kasama rin ang pagtatatag ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA), kaakibat ng maritime security cooperation kabilang ang bilateral at multilateral activities at sea, port calls and visits, at capacity-building efforts.

Inaasahan din ang kooperasyon sa maritime law enforcement kabilang ang pagtugon sa piracy, iligal na pangingisda, maritime terrorism, at iba pang banta.

Suportado rin ng dalawang lider ang kooperasyon sa humanitarian assistance at disaster response, pagtugon sa organized transnational crimes tulad ng money laundering at online sexual abuse of children, at sa pina-plantsang memorandum of agreement para sa pagpapalitan ng impormasyon upang labanan ang human trafficking.

About The Author