dzme1530.ph

Desisyon ng UN na aksyunan ng Pilipinas ang hinaing ng comfort women noong World War 2, sinuportahan ng CHR

Suportado ng Commision on Human Rights (CHR) ang desisyon ng United Nations (UN) na umaksyon ang gobyerno ng Pilipinas para tugunan ang hinaing ng comfort women noong World War 2.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Atty. Twyla Rubin ng CHR na nararapat lang na bigyan ng kabayaran ang kalupitan ng mga Hapon sa mga kababaihan nuong panahon ng digmaan.

Dagdag ni Rubin, napakahalaga ng desisyong ito dahil kinikilala ang karapatan ng comfort women na karamihan ay hindi na nakamtan ang hustisya dahil pumanaw na.

Mahalaga rin sa desisyon ng UN ang mga paraan kung paano mabibigyan ng katuparan ang matagal na panahon nang hinihiling ng mga babaeng tinatawag na ngayon bilang Lola’s.

About The Author