Nagsimula nang umalis ang Russian Forces mula sa Karabakh Region sa Azerbaijan kung saan nagsilbi silang Peacekeepers simula nang matapos ang digmaan sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan noong 2020.
Sa Press Conference, kinumpirma ng tagapagsalita ng Kremlin ang report tungkol sa withdrawal ng kanilang tropa subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.
Inihayag naman ng pinuno ng Foreign Policy ng Presidential Administration sa Azerbaijan, na napagkasunduan ng dalawang bansa ang naturang hakbang.
Hindi rin nito sinabi kung bakit winithdraw ang Russian Troops, subalit lumalabas na kalabisan na ang presensya ng mga ito, makaraang mabawi ng Azerbaijan ang Full Control sa Rehiyon mula sa Ethnic Armenians noong nakaraang taon.