Sovereign choice ng Pilipinas ang pagsali sa trilateral alliance sa America at Japan.
Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, ang trilateral cooperation ay magiging daan sa mas maigting na pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at kasaganahan ng ekonomiya sa Indo-Pacific Region.
Ito umano ay alinsunod sa national interest, independent foreign policy, at international law.
Wala ring nakikitang problema ang DFA sa pagtalakay ng tatlong bansa sa regional security, mga hamon sa rule of law, at mapayapang resolusyon sa maritime disputes, at hindi umano ito dapat ituring na banta ng anumang bansa kung totoong nagnanais ito ng kapayapaan.
Iginiit pa ng DFA na alam ng lahat na ang china ang totoong pinagmumulan ng tensyon sa rehiyon dahil sa excessive maritime claims at mga agresibong aksyon kabilang ang militarisasyon sa mga inaangking teritoryo.