Nakatakdang magpulong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at social media influencers sa bansa para obligahin ang mga ito na magbayad ng buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, tuloy pa rin ang kanilang ahensya na pilitin ang mga influencers na mag-comply sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Dagdag pa ni Lumagui, kasabay na rin aniya ito ng pagdami ng mga pumapasok sa nasabing trabaho para kumita obline kaya dapat ring buwisan.
Samantala, inamin ng BIR Commissioner na hindi naging malinaw ang unang naging anunsyo kaugnay sa pagbubuwis sa mga ito kung kaya marami ang nag-delete ng kanilang mga channels at social media accounts.