Pabor si Sen. Christopher Go sa panawagan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na paikliin pa ang transition period sa pagbabalik sa old school calendar.
Ito ay sa gitna ng init na nararanasan ngayong summer na pinatindi pa ng El Niño Phenomenon.
Ayon kay Go, bilang chairman ng Senate committee on Health, prayoridad niya ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante lalo na ngayong tumitindi pa ang heat index.
Binigyang-diin ni Go na napapanahon nang ibalik sa Marso, Abril at Mayo ang summer vacation ng mga estudyante upang matiyak na makapagpapahinga sila sa kanilang mga tahanan sa gitna ng init.
Una nang tiniyak ng Department of Education na ipatutupad nila ang gradual na pagbabalik sa lumang school calendar.