Hindi kailangan ng Gobyerno ng Pilipinas na itaas ang Alert level Status sa Israel kasunod ng Missile at Drone attack ng Iran sa lugar.
Ayon sa Department Of Foreign Affairs(DFA), mananatili sa alert level 2 ang status sa Israel, na ibig sabihin ay mahigpit na ipatutupad ang karagdagang deployment ng Overseas Filipino Workers(OFWS).
Inirerekomenda rin ng Philippine Embassy sa Egypt sa mga Pilipino na ipagpaliban ang lahat ng hindi mahahalagang biyahe mula sa Pilipinas patungo ng Israel, o hanggang ma-stabilize ang sitwasyon.
Inabisuhan din ang mga pilipino na maging alerto at updated sa mga anunsyo ng Gobyerno at makipag-ugnayan sa Community Leaders, maging sa Embahada at Konsulada.