Nanawagan si dating Department of Health secretary at ngayon ay Iloilo Congresswoman Janette Garin sa mga magulang na palayain na ang kanilang sarili sa “vacine hesitancy” o takot sa bakuna.
Ang panawagan ng House deputy majority leader ay sa gitna ng tumataas na kaso ng pertussis sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit sa 1,400 na ang kaso ng pertussis sa buong bansa simula noong Enero hanggan nitong Abril a-sais, habang mahigit sa animnapu ang namatay.
Paggigiit ni Garin, ang ‘vaccine hesitancy’ o matinding takot sa bakuna ang ugat ng pagdami ng pertussis cases gayun din ng tigdas.
Hinimok nito ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Binuweltahan pa nito ang mga dating namuno sa DOH sa aniya iniwang ‘legacy’ na nagpakalat lang ng ‘fake news’ laban sa bakuna.
Una nitong kinumpirma ng DOH na darating sa Hunyo ang tatlong milyong 5-in-1 vaccine doses, at bumibili na rin ng Diphtheria, Pertussis, at Tetanus o DPT doses.