dzme1530.ph

Chinese Sleeper Cells, paiimbestigahan ng Makabayan Bloc

Pinaiimbestigahan ngayon ng MAKABAYAN Bloc sa House Committee on National Defense and Security ang tinawag nitong ‘Chinese Sleeper Cells’ sa Pilipinas.

Binanggit ng MAKABAYAN sa kanilang House Resolution 1682 na nakababahala ito lalo pa at umiinit ang tensyon sa West Philippine Sea (WFS).

Bukod sa ‘sleeper cells’ na nagsisilbing ahente o espiya, pinasisilip na rin nila ang napaulat na recruitment ng mga Tsino sa ilang aktibo at retiradong kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Una nang itinangi ng Chinese Embassy sa Pilipinas na may presensya ng ‘chinese sleeper cells’ sa bansa.

Giit ng MAKABAYAN Bloc, hindi dapat magsilbing ‘battleground’ ng mga imperialist countries ang Pilipinas kaya dapat lang na mapigilan ito.

About The Author