Tahasang sinabi ni AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes na epektibong chief salesman ng bansa si Pang. Ferdinand Marcos, Jr.
Patunay nito ayon kay Reyes ay ang $907-M net Foreign Direct Investment nitong Enero, mataas ng 89.9% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2023.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, pangunahing source ng FDI noong Enero ay ang Japan na nagtala ng 69%, kasunod ang United States of America na may 19%.
Ayon kay Reyes hindi ito coincidence dahil karamihan sa ASEAN leaders sa pangunguna ni Japan Prime Minister Fumio Kishida ay nakadaupang palad ni Pang. Marcos sa Tokyo noong Disyembre.
Umaasa pa si Reyes na madaragdagan pa ang papasok na dayuhang puhunan dahil sa pakikipag-usap ni PBBM kina Kishida at US Pres. Joe Biden sa ginanap na trilateral summit sa Washington D.C.