dzme1530.ph

Mga lumahok sa 2 araw na tigil-pasada, posibleng maharap sa reklamo —DOTr

Posibleng maharap sa reklamo dahil sa pang-aabala sa publiko ang mga lumahok sa dalawang araw na transport strike laban sa PUV modernization program ng pamahalaan, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ng DOTr na bigo ang nationwide strike na inilunsad ng mga grupong PISTON at MANIBELA, na paralisahin ang transportation system.

Gayunman, nagdulot naman ito ng pagsisikip ng trapiko na lubhang nakaapekto sa mga commuter at mga motorista.

Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bagaman karapatan ng mga tsuper at operator na magwelga, huwag naman sanang idamay at pahirapan ang publiko.

Inilunsad ng PISTON at MANIBELA ang dalawang araw na tigil-pasada sa harap ng nalalapit na April 30 deadline sa consolidation na bahagi ng PUV modernization.

About The Author